Sunday, October 11, 2015

CAF Characterization/Monologue

SHE’S DATING THE GANGSTER
(ATHENA DIZON)
by Sharen Ilyich Estocapio 10-MMA
     Hinihintay na siya ni Abigail. Diyos ko. Sobrang mahal na mahal ko siya, pero mas kailangan siya ni Abigail. “To wish for us, is to wish an end for Abigail.” Siguro, ito na ang hantungan ng aming pag-iibigan. Kahit masakit, kailangan ko siyang pakawalan.
    “Kenjie, thank you for the 2 months, 2 weeks, 3 days, 10 hours, 57 minutes ng pagmamahal na babaunin ko buong buhay ko.”
    Sa lahat ng pinuntahan ko, palagi nila akong itinatanong, “Ano daw nga ba ang sikreto kung bakit kinaya kong mabuhay ng matagal?” Ang sabi ko, “Bukod sa lahat ng opersayon na dinaanan ko, hindi ako nawalan ng pag-asa na balang araw, makikita ulit kita. At masasabi ko sa’yo na binuhay ako pagmamahal mo. Siguro, kaya ako nabuhay ng matagal kasi binigyan ako ng diyos ng oras para sa araw na ito. Para masabi ko sa’yo na… Kenjie, I’m sorry… Sorry…
    Maraming araw, ginusto kong makita ka muli. And I did. Nakita kita,kasama mo si Kenneth. Ang saya-saya mo. Alam kong okay ka na. “To see you grow, from my gangster, to man, to a father. It was all worth it.”
    Too bad I’m gonna have to leave you once again.
    Inaantok na ako Kenjie. 

No comments:

Post a Comment