Wednesday, August 13, 2014

ANG BATANG ASSUMPTIONISTA!

Kahit bata ka pa’y may maitutulong kana
Huwag magpabaya, tayo'y may magagawa
Dapa't tayo'y magtulungan upang may makamatan
Magandang resulta ang kinalalabasan.

Iyan ang batang Assumnptionista
Laging nagtutunggaling makamit ang tagumpay
Puso at isip ang kanyang patnubay
Buhay niya'y sa panginoon inaalay

Mahirap man siya, o kaya'a mayaman
Mapagbiro man siya, o tahimik lamang
Likas sa kanya ang pagkamagalang
Kabutihang asal kanyang inilaladlad


Tayo’y may pagmamataas sa patalbugan
Magaling sa biruan, tuksuan at tawanan
Mahilig makisakay sa nga kalokohan
Ngunit mapagkumbaba naman kung pormalan

Matapat,matiyaga, at siya ri'y matulungin
Grabe kung kumayod, makamtan lang ang mithiin

Guro't kaibigan nandiyan upang sumuporta
Kahit anong mangyari tayo'y magkakasama

Walang magbabago, walang iwanan
Isang eskuwelahan lang ang pinapasukan,
Pamilya’t ituring kung nandiyan
mabuhay at ibahagi ang pananampalataya, iyan ang laban

Isang paaralan, isang daan
Tungo sa magandang kinabukasan.
Mahirap ka man o kaya’y mayaman
Basta’t kung may tiyaga, may patutunguan

Walang hirap kung tayo’y magsisikap
Upang matulungan ang mga naghihirap


Magtulungan, makipagkaibigan
Ang paraan sa matagumpay na kinabukasan
Lahat tayo’y pare-pareho lamang,
Walng labis, walang kulang.


Na sa atin ang gawa, nasa diyos ang awa.

No comments:

Post a Comment